Saturday, September 29, 2007

Dr. Zhivago

Walang bago sa Dr. Zhivago - ang pelikulang ipinanood sa amin ng isa naming Journ professor. Sing luma 'to ng Sound of Music pero mukhang maganda naman kasi kasama 'to sa Top 10 Romantic Films Ever Made ng Time magazine ('yung cover story si Princess Diana). Kung napanood niyong nagkakakanta at nagtatatakbo sa bundok at kahit saang lugar si Julie Andrews sa Sound of Music, malamang alam niyo na ang "texture" ng film na Dr. Zhivago.




Sabi ng isa kong kakilala, medyo na-injection-an ng incest ang istorya kaya di nya masyado feel...Speaking of incest, ang Oedipus Complex ay di rin nagpapatalo sa incestuous matters...'Yun...gagawan pa namin ng paper yun para sa World Lit...Balik na sa topic...si Dr. Zhivago, pinakasalan niya pinsan nya. Yung magiging partner/lover naman nya sa kalagitnaan ng kwento, si Lara, naging lover niya ang stepfather niya.



Gusto ko yung part doon nung naging doctor yung bida, na-realize niya na may mundo pa pala maliban sa mundong ginagalawan niya...Mayaman kasi siya...kahit ganoon, wala siyang ugaling aristocratic...Magkaibang-magkaiba ang character niya sa character ng stepdad ni Lara...



Itutuloy pa namin ang panonood nito sa Wednesday...kaya..hanggang dito na lang muna...

1 comment:

Anonymous said...

Your blog keeps getting better and better! Your older articles are not as good as newer ones you have a lot more creativity and originality now keep it up!