Saturday, September 29, 2007

Dr. Zhivago

Walang bago sa Dr. Zhivago - ang pelikulang ipinanood sa amin ng isa naming Journ professor. Sing luma 'to ng Sound of Music pero mukhang maganda naman kasi kasama 'to sa Top 10 Romantic Films Ever Made ng Time magazine ('yung cover story si Princess Diana). Kung napanood niyong nagkakakanta at nagtatatakbo sa bundok at kahit saang lugar si Julie Andrews sa Sound of Music, malamang alam niyo na ang "texture" ng film na Dr. Zhivago.




Sabi ng isa kong kakilala, medyo na-injection-an ng incest ang istorya kaya di nya masyado feel...Speaking of incest, ang Oedipus Complex ay di rin nagpapatalo sa incestuous matters...'Yun...gagawan pa namin ng paper yun para sa World Lit...Balik na sa topic...si Dr. Zhivago, pinakasalan niya pinsan nya. Yung magiging partner/lover naman nya sa kalagitnaan ng kwento, si Lara, naging lover niya ang stepfather niya.



Gusto ko yung part doon nung naging doctor yung bida, na-realize niya na may mundo pa pala maliban sa mundong ginagalawan niya...Mayaman kasi siya...kahit ganoon, wala siyang ugaling aristocratic...Magkaibang-magkaiba ang character niya sa character ng stepdad ni Lara...



Itutuloy pa namin ang panonood nito sa Wednesday...kaya..hanggang dito na lang muna...

Thursday, September 27, 2007

Ang Katotohanan

Nag-agree rin si Apa nung sinabi kong ang gwapo ni Al Pacino...nung bata-bata pa siya...Anyway...Naipost ko na ang pics namin sa Intramuros...Alam ko namang madami pang pictorial sites dun, pero dahil nga umuulan noong pumunta kami, ayan...Hanggang Balwarte lang inabot namin...Trip ko pa sanang dagdagan ng poses kung saan eemote-emote kami sa mga naglulumot na pader ng Intramuros...Kasi kasi kasi umuulan....Kulit ko noh? Eh kasi nga umuulan noon...Sus!

O, yun na. Gwaping talaga si Al Pacino...noon...hehe

Sunday, September 23, 2007

Magazine Practice and Management 101

If you think working for a magazine is glamorous, think again...

Sana'y napagnilay-nilayan ko 'tong pinagsasasabi ko noh... Kanina lang...Hay! Kanina lang!!! Pagkatapos ng photoshoot namin sa Intramuros e biglang bumuhos ang ulan...Naku, ang malalaking patak nito, di namin carry kaya yun, nag-wet look ang iba sa amin...Yung mga walang payong...Kaya naman mga kapatid, laging magdala ng payong...

Di na namin kinansel ang pictorial para sa art magazine namin dahil late na sa production sched na isinet namin. Next week, pictorial para sa ads naman, kasi...umuulan kanina!!! Pang-asar talaga...Paano ko ba tatanungin si Myrza Sison??? Paano niya nama-magic ang magandang panahon? O baka naman isa lang itong resulta ng overload projects namin ng mga mababait na professors??? ha!

Sumagot ka lang wag lang EWAN...