Thursday, August 16, 2007

KYLE XY

Balewala ang tumutulong gripo sa panonood namin ng TV kung saan ang bida ay mga Koreano...Kagabi ,American TV series naman yung napagtripan namin, dahil nga sa wala kaming cable ---- KYLE XY ng Studio 23... Nakatutok kami sa istorya pati na rin sa mga karakters na kabilib-bilib ang pagkakagawa...Parang Smallville na kakaiba ang trip.

Bagay na bagay itong lalakeng 'to sa papel ni Kyle---isang teenager na may pagka-weird dahil sa kawalan nya ng pusod, hindi pagtulog, pagkakaroon hyperactive ng utak, at kakaibang level of intelligence. Dahil nga doon, na-KURYOS kaming subaybayan ang bawat episode nito...Akala ng isang psychologist na kumupkop sa kanya, autistic sya...Kagabi naman napagkamalan syang may amnesia...Kaloka! Para syang beybi na isinilang e noong nag-16 years old na. Pero, ang ganda rin naman ng story...Sana balang araw magkaroon tayo ng mas maganda na series kaysa dito... :)

No comments: